Motorcycle rider patay matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa Maynila

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Motorcycle rider na inakalang naaksidente lang sa bahagi ng Osmeña Highway sa Maynila, patay matapos pagbabarilin ng riding in tandem.

Ayon sa Barangay tanod, nakarinig na lamang ang mga residente ng sunod-sunod na putok pasado alas sais bente kagabi.

Nang puntahan ng mga tanod ang lugar, dito na nila nakita ang biktima na nakabulagta at inakalang naaksidente lamang.

Pero, nang nilapitan nila, dito na nila nakita na may mga tama ng bala ang biktima.

Sabi ng Barangay tanod, hindi nila residente ang lalaki kaya blangko sila sa dahilan ng pamamaril.

Base sa kuha ng CCTV, makikita ang riding in tandem na nasa kaliwang linya at biglang pinagbabaril ang biktima.

Sa kwento ng Ate ng lalaki, nagpaalam ang kapatid na susunduin ang kanyang nobya sa Makati City.

Pero makalipas ang mahigit kalahating oras, hindi na raw makontak ng nobya ang biktima hanggang sa nalaman na nila ang nangyari sa kanya.

Base sa imbestigasyon, may tama ng bala ang biktima sa kanyang ulo, bewang at likod.

Wala raw na-ike-kwento na may nakakaaway ang biktima o may banta sa kanyang buhay.

Gayunman, palaisipan daw sa pamilya ang biglaang pagre-resign nito sa trabaho bilang room attendant at waiter sa isang hotel noong nakaraang linggo.

Hustisya naman ang kanilang panawagan sa sinapit ng biktima.

Sa ngayon ay patuloy ang backtracking ng mga awtoridad para mahuli ang mga suspek at malaman ang motibo sa pamamaril. — BAP, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*