Binaril at napatay ang isang Filipino-American gym custodian sa Daly City, California, USA. Ang krimen, nag-ugat umano sa pagsita ng biktima sa suspek dahil sa hygiene protocols.
Kinilala ang biktima na si Rolando Viray Yanga, 60-anyos. Suspek naman sa krimen si Maarij Afridi, 21-anyos.
Kaagad na nasawi ang biktima matapos magtamo ng walong tama ng bala sa katawan sa labas ng kaniyang bahay noong gabi ng September 29.
Ayon sa San Mateo County District Attorney’s Office, ikinagalit ni Afridi ang pagsita sa kaniya ni Yanga dahil sa hindi pagsunod sa hygiene rules ng gym na nauwi sa mainit na pagtatalo.
Lumitaw sa ulat na inabangan at sinundan umano ni Afridi si Yanga na makauwi at doon niya pinagbabaril ang biktima.
Nakakuha ng video footage ang Daly City Police na nakita ang pagsunod ni Afridi sa sasakyan ni Yanga, hanggang sa madinig ang sunod-sunod na putok ng baril.
Tumakas si Afridi pero naaresto siya ng Daly City SWAT Team sa kaniyang bahay sa sumunod na araw.
Inaresto rin ang ina ni Alfridi na si Zaib Un Nisa Afridi, 50-anyos dahil sa hinala na sangkot siya sa pagmaneho ng getaway vehicle ng anak.
Kinondena ni Daly City Mayor Juslyn Manalo, isang Filipino-American, ang brutal na pagpatay kay Yanga.
“Our hearts go out to the family of Rolando Yanga, a 60-year-old Daly City resident who tragically fell victim to a senseless act of gun violence on September 29, 2024. As a community, we mourn your loss, and while no words can ease the pain during this difficult time, please know that we grieve with you,” ayon sa alkalde.
Sinabi ng alkalde na ang nangyari kay Yanga ang kauna-unahang homicide case sa Daly City ngayong taon.
“This marks Daly City’s first homicide case in 2024, and even one is too many for our community to bear. It is rare for such a tragedy to occur here, making this loss all the more profound,” dagdag ng alkalde.
Pinuri din ng alkalde ang Daly City Police Department sa mabilis na pag-aresto sa suspek.
“I want to commend the Daly City Police Department for their swift action in apprehending the suspects, utilizing Automatic License Plate Readers (ALPR) and other advanced technologies, as well as their exemplary investigative work, which led to the arrests in less than 24 hours,” ayon kay Manalo.
Kinasuhan si Afridi ng murder, habang nahaharap sa kasong accessory sa krimen ang kaniyang ina. Pareho silang nakapiit sa Daly City County Jail.
Naulila ni Yanga ang kaniyang asawa, at apat na anak, at mga apo.
“We are devastated to share the tragic loss of our beloved father, Rolando, whose life was taken far too soon in a senseless act of violence. As we struggle to come to terms with this unimaginable reality,” saad ng pamilya sa pahayag sa GoFundMe page. —mula sa ulat ni Dave Llavanes Jr./FRJ, GMA Integrated News
Be the first to comment