Mag-live in partner, patay matapos umanong magsaksakan sa GenSan

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Nauwi sa madugong krimen ang pagtatalo ng mag-live in partner sa General Santos City.

Sa ulat ni Efren Mamac sa GMA Regional TV News nitong Lunes, nangyari ang insidente sa bahay ng dalawa sa Barangay Lagao noong Linggo.

Batay sa nakalap na impormasyon ng pulisya, sinabi ni Police Station 3 Commander Police Major Ari Noel Cardos, ang 40-anyos na babae ang unang nanaksak sa 30-anyos na lalaki, at nakuha ng huli ang patalim na ginamit din para saksakin ang babae.

Nakita ang katawan ng babae sa gate ng bahay, habang nasa loob naman ng kuwarto ang duguang katawan ng lalaki.

Nagtamo ng tatlong saksak sa leeg ang babae, habang isang saksak naman sa dibdib ang tinamo ng lalaki.

Nakita naman ang patalim na ginamit sa krimen.

Ayon umano sa mga kapitbahay ng dalawa, madalas na magtalo ang mga ito. Pinaniniwalaan na usapin sa pinansiyal ang pinag-aawayan ng dalawa.– FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*