Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ipinatupad na ng Kingdom of Saudi Arabia ang hatol na kamatayan sa isang Pinoy na kinasuhan noon dahil sa pagpatay sa isang Saudi national.
“We regret to confirm the news that a Filipino has been executed in Saudi Arabia for murder,” ayon sa inilabas na pahayag ng DFA nitong Martes.
“The Philippine government provided legal assistance and exhausted all possible remedies, including a presidential letter of appeal. But the victim’s family refused to accept blood money in return for forgiveness of the Filipino, and so the execution proceeded,” sabi pa nito.
Idinagdag pa ng DFA na humiling ng privacy ang pamilya ng naturang Pinoy kaya hindi na magbibigay pa ng karagdagang impormasyon tungkol sa kaniya.
“Out of respect for their wishes, we will not divulge more details on the case,” ayon sa pahayag.
Ikinalungkot naman ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Jr., ang sinapit ng naturang Pilipino sa KSA.
“There was very little we had left to do; we had few options left. We tried everything and for many, many years,” sabi ni Marcos sa ambush interview bago siya umalis patungong Lao PDR para dumalo sa ASEAN Summit.
Idinagdag ng pangulo na lima o anim na taon nang inaapela ng gobyerno ang kaso ng naturang Pinoy.
Sinabi naman ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac, na magkakaloob ng tulong ang gobyerno sa pamilya ng naturang Pinoy.
”The family is requesting privacy. Rest assured we’re assisting them, the family and this is a case na medyo matagal na rin, nasa OWWA pa ko noon,” ayon kay Cacdac. ”Ýun nga, the family is requesting privacy, galangin na lang natin ‘yung privacy ng family.
Nakikipag-ugnayan umano ang DMW sa DFA para sa agarang repatriation ng mga labi ng naturang Pilipino.
Noong March 2023, inihayag ng DFA na may 83 Pinoy sa abroad ang nasa death row sa iba’t ibang bahagi ng mundo dahil sa iba’t iba kaso, kabilang ang ilegal na droga.
Sa naturang bilang, 56 ang nasa Malaysia, habang ang iba naman ay nasa United Arab Emirates, Saudi Arabia, Indonesia, Maldives, Sri Lanka, China, Vietnam, USA, Japan at Brunei. —mula sa ulat ni Joviland Rita/FRJ, GMA Integrated News
Be the first to comment