Koala, namataang pagala-gala sa estasyon ng tren sa Australia

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Isang curious koala ang namataang pagala-gala sa isang estasyon ng tren sa Sydney, Australia.

Sa isang video, na mapanonood din sa Unang Balita nitong Miyerkoles, makikitang naglakad ang koala sa platform, umakyat sa hagdan at inikot ang iba pang bahagi ng estasyon ng tren.

Dahil dito, rumesponde ang pulisya at sinundan ang koala.

Nag-abiso rin sa mga tren na bagalan ang pagtakbo kapag dadaan sa estasyon.

Makalipas ang kalmadong pagsunod ng pulisya sa koala, nag-over the bakod ang koala at bumalik sa kakahuyan. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*