Bata na edad 4 at 5 na halos 24 oras na nawawala, nakita sa loob ng abandonadong kotse sa Iloilo

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Nakita sa loob ng abandonadong kotse ang isang batang babae at isang batang lalaki na halos 24 oras na hinanap sa La Paz, Iloilo.

Sa ulat ni Kim Salinas ng GMA Regional TV sa GMA News Saksi nitong Lunes, sinabing edad apat at lima ang dalawang bata na nahuli-cam noong Sabado dakong 10:30 na naglalaro sa kalsada.

Ayon kay Ma. Lorraine Asturias, nanay ng isa sa bata, nagpaalam lang ang kaniyang anak na kukunin ang laruan sa labas pero wala na ito nang kaniyang tingnan.  

Magdamag na hinanap ang dalawang bata ng kanilang mga kamag-anak, mga kapitbahay, at barangay pero hindi sila nakita.

Dakong 4:00 am ng Linggo, may nadinig si Roly dela Cruz na ingay mula sa kaniyang abandonadong kotse kaya pinuntahan niya ito.

Dito na niya nakita ang dalawang bata na buhay at umiiyak.

Kaagad niyang binasag salamin ng kotse para makalabas ang mga bata na maayos naman ang kalagayan.

Nasa 50 metro lang ang layo ng kotse sa bahay ng mga bata.

Ayon sa pulisya, kung hindi marahil sa mga butas sa sasakyan ay maaaring na-suffocate ang mga bata.

Hindi pa malinaw kung paaano nakulong sa loob ng kotse ang dalawang bata.

Nitong nakataang Hulyo, dalawang batang magkapatid ang nasawi matapos na makulong sa kotse at ma-suffocate sa Sto. Tomas, Pampanga.

Noong nakaraang Marso, dalawang batang magpinsan din ang nasawi sa katulad na insidente sa Angeles, Pampanga.–FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*