Bata sa Negros Oriental, bakit kaya nag-iiba ang kulay ng mata?

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Nang isilang ang isang batang babae sa Negros Oriental, kulay asul umano ang mga mata nito. Pero nang maging tatlong-taong-gulang, bigla nang naging gray. Bakit nga kaya gayung walang lahing banyaga ang kaniyang mga magulang.

Sa nakaraang episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho,” kinagigiliwan ng mga tao ang anim na taong gulang na ngayon na si Jane dahil sa magandang kulay ng kaniyang mga mata na gray na bahagyang may kulay asul.

Ayon sa kaniyang mga magulang na sina Geraldine at Jubert, wala silang lahing banyaga at parehong kulay brown ang kanilang mga mata, pati na ang isa nilang anak.

Kuwento ni Geraldine, kulay asul ang mga mata ni Jane nang kaniyang isilang pero naging gray nang maging edad tatlo na ang bata.

Napaghihinalaan na baka anak ng banyaga si Jane, na itinatanggi naman ni Geraldine. Nakatitiyak din siya na hindi ito napalitan nang kaniyang isilang.

Dahil walang sapat na pera, hindi pa nila naipasusuri ang mga mata ni Jane. Nangangamba si Geraldine na baka magkaroon ng problema sa paningin ang bata kapag lumaki.

Sinamahan ng KMJS team si Geraldine na ipasuri ang mga mata ni Jane, at dito na nila natuklasan na mayroong Waardenburg Syndrome ang bata.

Paliwanag ni Dr. Lorenzo Vera Cruz Jr., Ophthalmologist, nagiging blue ang kulay ng mata dahil sa melanin pigment na nagbibigay ng kulay brown.

Habang tumatanda ang bata, nababawasan umano ang amount ng melanin pigment kaya nagiging gray na ang kulay nito.

Hindi naman daw dapat hayaan na nakababad sa liwanag ng araw ang mga mata ni Jane dahil na rin sa kakulangan ng melanin. Wala rin umanong magiging problema sa paningin nito pero makabubuti na maipatingin kada taon para sa monitoring.

Si Jubert, may inamin naman tungkol sa kaniyang lolo na batay sa kuwento ng kaniyang ama. Alamin kung ano ito sa video ng “KMJS.” —FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*