14, nasawi sa landslide sa Talisay, Batangas — police

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Nasa 14 katao ang nasawi matapos matabunan ng gumuhong lupa sa Talisay, Batangas sanhi ng bagyong “Kristine,” ayon Police Regional Office 4A (PRO4A).

Sinabi ni PRO4A spokesperson Police Lieutenant Colonel Chitadel Gaoiran, nangyari ang trahediya sa Barangay Sampaloc nitong Huwebes ng gabi.

Ayon sa pulisya, sa walong bangkay na unang natagpuan, lima ang menor de edad.

Patuloy ang isinasagawang rescue and retrieval operations sa lugar, ayon pa sa pulisya.

Isa ang Batangas sa mga lalawigan na matinding hinagupit ng bagyong Kristine, na nasa labas na ngayon ng Philippine area of responsibility (PAR).— mula sa ulat ni Joviland Rita/FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*