Lalaking pinaglaruan ang nahuling sawa, kinagat sa ilong

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Kinailangang saklolohan ang isang lalaki sa Brazil na nagpasikat at pinaglaruan ang nahuling sawa matapos siyang sakmalin nito sa ilong nang tangkain niyang halikan.

Sa video ng GMA Integrated Newsfeed, makikita ang isang lalaki na walang takot na nilalaro ang nahuli nilang sawa.

Inilalapit pa ng lalaki sa mga taong nakapalibot sa kaniya ang hawak na sawa na parang ipinapanakot.

Nagpatuloy ang pasikat ng lalaki at hahalikan niya sa likod ng ulo ang sawa. Pero bago pa niya magawa ang balak, biglang humarap sa kaniya ang sawa at kinagat siya sa ilong.

Hindi bumitiw ang sawa sa pagkakakagat sa ilong kaya kinailangan siyang tulungan ng mga tao.

Maliban sa sugat sa ilong, wala nang ibang pinsala na tinamo ang lalaki. Hindi naman makamandag ang sawa na kumagat sa kaniya na isang boa constrictor.

Matatagpuan ang mga ahas na ito sa Central at South America, na kadalasang nasa agricultural area at rainforest.

Puwedeng umabot ang haba ng mga ahas na ito ng hanggang mahigit apat na metro. — FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*