Lalaki, namatayan ng ina, asawa at anak nang gumuho ang bahay sa kasagsagan ni Kristine

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Labis ang naranasang dagok ng isang lalaki matapos masawi ang kaniyang ina, asawa at anak nang gumuho ang kanilang bahay dulot ng landslide sa kasagsagan ng Bagyong Kristine sa Guinobatan, Albay.

Sa ulat ni Chino Gaston sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, mapanonood sa isang video ang pagkasira ng bahay ni Rolando Orfano sa Barangay Maguiron.

Ayon kay Orfano, patulog noon ang kaniyang pamilya nang gumuho ang kanilang tahanan at maipit ng pader ang kaniyang mag-ina at nanay.

“Bigla na lang sumabog ‘yung wall ko, diretso bagsak talaga sa mag-ina ko. Tapos tumakbo pa ako para iligtas ko sila, wala na talaga,” sabi ni Orfano.

Makikita pa sa aerial shot ang tipak ng lupa na nauka galing sa bundok dulot ng malakas na pag-uulan.

Ayon sa ulat, lumambot ang lupa kaya nabunot mula sa pundasyon ang bahay bago dumausdos pababa.

Inilahad ng Albay Provincial Office na apat ang nasawi habang lima ang sugatan, habang isa ang nananatiling nawawala sa lalawigan.

Kasalukuyang dumarating ang relief goods sa kapitolyo para maihatid sa mga nasalantang bayan. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News

 

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*