Antique shop sa Quezon City, pinamumugaran nga kaya ng mga espiritu?

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

May mga paniniwala na puwedeng kapitan ng enerhiya ng mga yumaong may-ari ang kanilang mga lumang gamit. Ganito kaya ang nangyayari sa vintage shops sa Quezon City na nagbebenta ng mga antigong gamit?

Sa nakaraang episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho” para sa Gabi ng Lagim XII special, pinuntahan nila ang magkatabing tindahan ng mga antigong gamit na mayroon umanong mga nagpaparamdam.

Ang isa sa mga nagbebenta ng antigong gamit na si JB Eneres, aminadong may mga nararamdaman at nadidinig na ingay gaya ng boses sa kaniyang tindahan.

Ang isa sa pinaniniwalaang niyang gamit sa kaniyang shop na may nananahan na espiritu, ang isang vintage doll na kaniya na ring inaalagaan para hindi “magtampo” at magparamdam.

Dahil sa mga nararamdaman at nadidinig, mayroon nang agimat si JB bilang proteksiyon sa mga masasamang espiritu.

Ang katabing antique store ni JB na pag-aari ni Mariz Villarosa, ang lumang aparador na may salamin naman ang pininiwalaan niyang may “nakatira.”

Nakikita umano niya sa salamin ang isang babae na tila malungkot at humihingi ng tulong. Napag-alaman na isang matandang babae na namatay na ang tunay na may-ari nito.

Kung minsan, nagiging agrisibo rin umano ang babae sa aparador at nanghihila ng buhok.

Bukod sa matandang babae, hinihinala rin ni Mariz na nasa kaniyang tindahan ang espiritu ng nangangalakal na lalaking si Rex na pumanaw na rin kamakailan.

Kuwento ng nagtitindang si Marites, dating boarding house ang ikalawang palapag ng mga tindahan ng mga antigo. Pero nang nawala na ang mga nangungupahan, inalis na ang mga kuwarto at ginawang imbakan ng mga antigo.

Sa ikalawang palapag umano nito nakikita ang kaluluwa ng isang babae na walang ulo. Ang hinala niya, isa ito sa mga babae na dating nakatira doon na namatay matapos magsuka ng dugo.

Upang alamin kung may basehan ang mga pinaniniwalaang mga espiritu sa antique shop, nagsagawa ng imbestigasyon ang paranormal researcher na si Ed Caluag.

Walang impormasyon na ibinigay sa kaniya tungkol sa mga nagpaparamdam umano sa lugar pero kabilang sa napansin niya ang lumang aparator na may salamin na unang sinabi na may naninirahan na espiritu ng babae.

Tunghayan ang nakakakilabot na imbestigasyon ni Ed sa lugar at ang paglutang ng dalawang pangalan na lumalabas na may kaugnayan sa matandang babae na may-ari ng aparador. Panoorin. —FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*