Nasawi ang isang rider matapos siyang mawalan ng kontrol dahil sa pag-ulan at bumangga sa kasalubong na tanker truck sa Pasuquin, Ilocos Norte.
Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Biyernes, sinabing dead on arrival sa ospital ang 48-anyos na biktima.
Isinalaysay ng mga awtoridad na madulas ang kalsada noon dulot ng mga pag-ulan.
Nagtamo ang rider ng sugat sa iba’t ibang parte ng katawan.
Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang mga kaanak ng biktima at ang driver ng tanker truck.
–Jamil Santos/ VAL,GMA Integrated News
Be the first to comment