Babaeng tumayo sa parking slot para ireserba, nagsisi sa kaniyang ginawa

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Nagpaliwanag at natuto umano ng leksiyon ang babae sa viral video na tumayo sa parking slot para ireserba sa kanilang sasakyan. Ang kaniyang ginawa, pinagmulan ng matinding diskusyon mula sa mga sakay ng isa pang sasakyan na nakatakda na sanang pumarada sa lugar.

Sa ulat ng GMA Integrated Newsfeed mula sa report ng GTV “State of the Nation,” makikita ang babaeng naka-pink na kasuotan habang nakatayo sa parking slot at tila may kausap sa cellphone.

Nangyari ang insidente noong Nobyembre 1 sa sementeryo sa isang sementeryo sa Las Piñas.

Hindi nagtagal, isang babae na ang nakikipagtalo sa babaeng naka-pink para paalisin siya. Ngunit nagmatigas pa rin ang babaeng naka-pink na hindi umalis sa kaniyang kinatatayuan kahit may lumapit na rin na iba pang tao.

Napaalis lang sa kinatatayuan ang babaeng naka-pink nang isang babae pa ang umeksena at mistula siyang itinulak.

Matapos ang insidente, napagtanto umano ng babaeng naka-pink na mali ang kaniyang ginawa. Pero inireserba raw niya ang parking slot para sa kanilang sasakyan dahil may kasama silang nakatatanda at mga bata.

Nakipag-ayos din umano siya sa kaniyang nakairingan sa naturang paradahan.

Humingi siya ng pang-unawa sa publiko, at nakiusap na itigil na pagpapakalat ng video.

“Sa lahat ng nagrere-upload ng video please, stop na po. Kasi ang akin lang po okay na both sides, nagsisi naman po ako,” ayon sa babae.

Ipinaliwanag ni Attorney Mario Luna, law professor, walang batas na umiiral laban sa pagtayo at pagreserba ng parking space. Gayunman, matatawag na public intimidation ang ganitong gawain.

“Yung pagtayo niya it could amount to intimidation, iniintimidate mo yung tao by preventing them from parking so she could be held criminally liable. Kung public place na ‘yan at wala naman siyang authority mali siya, ba’t siya tatayo dun para haharangin yung ibang tao na magpapark. Kasi hindi naman prohibited na dapat nauna muna yung sasakyan niya,” paliwanag ni Luna.

Sinabi naman ni Police Captain Orlando Quintero, Zapote Substation Officer-In-Charge, Las Pinas Police, na mali ang pagtayo at pagreserba sa parking space.

“Unang-una, nagka-cause siya ng any obstruction dun sa area. Kapag nakasanayan po natin ‘yan ay magkakagulo po ang mangyayari sa parking eh,” ayon kay Quintero.

Bukas ang GMA Integrated News kung nais magbigay ng kanilang panig ang nakaalitan ng babae sa parking space. —FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*