3 persons of interest sa pagdukot sa American vlogger sa Mindanao, napatay sa engkuwentro

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Napatay sa engkuwentro ng mga awtoridad sa Kabasalan, Zamboanga Sibugay nitong Martes ang tatlong tao na iniuugnay sa pagdukot sa American vlogger na si Elliot Eastman, na patuloy pa ring hinahanap.

Kinilala ng Police Regional Office 9 (PRO-9) ang mga nasawing mga persons of interest na sina Mursid Ahod, Abdul Sahibad, at Fahad Sahibad.

“Intelligence suggests that Ahod and the Sahibad brothers provided refuge and support to other suspects and persons of interest involved in Mr. Eastman’s abduction, enabling their evasion from authorities,” ayon sa PRO-9.

Nagsagawa umano ng operasyon ang pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar sa Barangay Canacan dakong 5:59 a.m. nitong Martes, na nauwi sa engkuwentro sa 10 “lawless elements” na ikinasawi ng tatlo.

Ayon sa Philippine Army’s 1st Infantry Division, sangkot si Ahod sa ilang insidente ng kidnap-for-ransom, extortion, at pagnanakaw, at suspek sa Kabasalan Massacre noong 2015 at 2016.

Idinagdag ng militar na sangkot naman umano sina Abdul at Fahad sa kidnap-for-ransom group na nag-o-operate sa Zamboanga Peninsula.

Reklamong kidnapping at serious illegal detention ang inihain laban sa anim na suspek sa pagkawala ni Eastman. Tatlong sa kanila ang naaresto na ng awtoridad.

Halos isang buwan na ang nakararaan nang dukutin si Eastman sa kaniyang bahay sa Sibuco, Zamboanga del Norte. — mula sa ulat ni Joviland Rita/FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*