3 dayuhan, huli nang barilin umano ang isang Chinese; P1.2-M halaga ng shabu, nasabat

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Sugatan ang isang Chinese matapos siyang barilin umano ng dalawang kapwa niya Chinese at isang Cameroonian sa Barangay Don Galo, Parañaque City. Nasa P1.2 milyong halaga ng shabu, nabawi ng mga awtoridad nang arestuhin ang mga suspek.

Sa ulat ni Bam Alegre sa Balitanghali nitong Biyernes, naganap daw ang pamamaril sa isang residential complex.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na bago ang pamamaril, nagtalo muna ang mga suspek at biktima.

“Noon na daw kasi, ‘yun nga, nagkakaroon sila ng kasiyahan, nag-inuman. Tapos parang napunta sila sa paniningil ng utang. So itong ating victim is naniningil na siya ng pautang dito sa ating suspects. Doon nga nagsimula ‘yung kanilang pagtatalo hanggang sa nauwi na roon sa pamamaril dito sa ating victim,” sabi ni Police Major Hazel Asilo, spokesperson ng Southern Police District.

Kasalukuyang nagpapagaling ang biktima sa ospital.

Isang Pilipino ang nakasaksi sa insidente, na siya umanong nagsumbong sa mga awtoridad.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang isang baril, 15 pakete ng hinihinalang shabu, at iba-ibang paraphernalia.

May tinatayang street value na P1.2 million ang nasabat na 200 grams na umano’y droga.

Dinala na ang droga sa Southern Police District Forensic Unit para suriin.

Umiling ang dalawang Chinese nang tanungin tungkol sa paratang, sa tulong ng Cameroonian na marunong mag-Chinese.

Ayon naman sa Cameroonian, hindi niya kakilala ang mga Chinese, kundi nagse-set up lamang siya ng party lights sa kuwarto ng mga ito. Wala daw siyang kinalaman sa krimen.

“It is wrong, it is very false. I don’t know who shot who specifically. That’s not my problem. Because I was on the balcony, when I had the gunshots, I panicked and I skipped over because there was some running outside. And then everything settled and everybody went where they were going to. I was with my two friends, we were going to leave and go somewhere else,” pahayag ng Cameroonian.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong frustrated murder, illegal possession of firearms at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. — Jamil Santos/ VDV, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*