‘Hello, Love, Again,’ kumita na ng P155M sa loob ng 2 araw

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Tumabo na ng P155 milyon ang “Hello, Love, Again” na pinagbibidahan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo sa ikalawang araw ng pagpapalabas nito.

Ibinahagi ng GMA Network ang impormasyon sa Instagram, na nagpasalamat sa fans sa kanilang suporta sa pelikula.

“You made it real. Salamat sa lahat na nag-HELLO AGAIN sa LOVE!” caption ng GMA Network.

Bago nito, pumalo na ng P85M sa sales sa opening day ang “Hello, Love, Again,” na kolaborasyon ng GMA Pictures at Star Cinema ng ABS-CBN.

Dahil dito, nakapagtala ng record ang naturang Alden at Kathryn movie na highest opening gross para sa isang local film.

Samantala sa Chika Minute report naman ni Aubrey Carampel sa 24 Oras nitong Biyernes, sinabing showing ito sa higit 600 cinemas sa Pilipinas, at sa mga susunod na araw sa 400 cinemas abroad.

Para sa mga Pinoy abroad, mapanonood na rin ang love story nina Ethan at Joy sa Amerika, Canada, Guam at Saipan simula Nobyembre 15.

Sa direksyon ni Cathy Garcia-Sampana, ang “Hello, Love, Again” ay karugtong ng kuwento ng pagmamahalan nina Joy at Ethan sa 2019 blockbuster movie na “Hello, Love, Goodbye.” — Jamil Santos/BAP, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*