Pagtatalo dahil umano sa pag-aalaga ng pugo at pagputol ng puno, nauwi sa pamamaril

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Nagtamo ng mga sugat ang isang mag-anak matapos silang pagbabarilin dahil umano sa pagtatalo tungkol sa pag-aalaga ng pugo at pagputol ng puno ng suspek sa Jaen, Nueva Ecija.

Sa ulat ni CJ Torida ng GMA Regional TV sa “Balitanghali” nitong Martes, sinabing lumabas sa imbestigasyon na habang nagtatalo, bigla na lang umanong bumunot ng baril ang suspek at binaril ang mga biktima.

Nagawang makatakbo ng padre de pamilya at dalawang niyang anak sa loob ng kanilang bahay.

Dinala sila sa ospital matapos magtamo ng sugat sa katawan.

Nakatakas ang suspek pero nadakip ang kaniyang kapatid na tumulong sa kaniyang pagtakas.

Narekober ng mga awtoridad ang van na ginamit ng suspek sa pagtakas.

Hindi muna nagpaunlak ng panayam ang kapulisan habang gumugulong ang imbestigasyon at sa pagtugis nila sa suspek. — Jamil Santos/BAP, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*