Saging na naka-duct tape sa pader, naisubasta ng $6.2-M o higit P350-M sa New York!

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Isang piraso ng saging na naka-duct tape sa pader ang binili sa halagang $6.2 milyon o katumbas ng mahigit P350 milyon nang isubasta ito ng Sotheby’s house sa New York City.

Ayon sa Reuters, ang saging ay bahagi ng isang conceptual piece na nagngangalang “Comedian,” na ginawa ng Italian artist na si Maurizio Cattelan.

Mula sa paunang bid price na $1.5 milyon, unti-unting tumaas ang presyo dahil sa pitong bidder hanggang sa mapanalunan ng bidder na Chinese na si Justin Sun, founder ng isang cryptocurrency platform.

“This is not just an artwork,” saad ni Sun sa pahayag ng Sotheby’s. “It represents a cultural phenomenon that bridges the worlds of art, memes, and the cryptocurrency community. I believe this piece will inspire more thought and discussion in the future and will become a part of history.”

At ang plano umanong gawin ni Sun sa saging, kaniyang kakainin. — mula sa ulat ng Reuters/FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*