Inihayag ni Betong Sumaya na single and ready to mingle ang status ng kaniyang lovelife ngayon, at miss na niya ang pakiramdam noong huli siyang ma-in love.
Sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes, ipinalarawan ni Tito Boy kay Betong ang kaniyang pakiramdam noong huli siyang umibig.
“Everyday, parang gusto mong gumising agad, makita agad siya. Kahit wala kang pera mangungutang ka para lang malibre mo,” saad ni Betong.
“What an amazing feeling,” dagdag ng Bubble Gang star.
Tinanong ni Chariz Solomon, co-star ni Betong sa Bubble Gang at panauhin din sa programa, kung na-miss niya ang huli niyang pag-ibig.
“Siyempre naman! Ano ako, walang pakiramdam?” tugon ni Betong.
Sinundan ito ni Tito Boy ng tanong tungkol sa estado ng lovelife ngayon ni Betong.
“Single and ready to mingle,” anang Kapuso comedian.
“If ever na magkaproblema ka, I’m just a text away,” mensahe ni Betong sa kaniyang love interest.
Ibinigay naman ni Chariz, isa nang ina, ang kaniyang payong pag-ibig para sa kaniyang kaibigan.
“Sabi ko lang lagi sa kaniya, you love yourself first bago ang iba. Kasi mahirap magmahal ng ibang tao kapag hindi mo na minahal ‘yung sarili mo. Lagi kang magtitira para sa sarili mo, ano man ‘yan, material things or non-material things, tangible and intangible,” sabi ni Chariz.
“Kasi ‘yan ang biggest mistake ko dati, na nakalimutan kong mahalin ang sarili ko. Muntik akong ma-tegi. Ayaw nating ma-tegi muna, kasi marami tayong minamahal na gusto pa nating makasama,” dagdag ni Chariz.
Sinabi ni Tito Boy na napakasuwerte ng taong susunod na mamahalin ni Betong.
“Please text me,” natatawang sabi ni Betong. “Please text me, padadalahan pa kita ng unli text.” — BAP, GMA Integrated News
Be the first to comment