Staff ni VP Sara, dinala sa ospital matapos sumama ang pakiramdam habang dumadalo sa House inquiry

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Inilabas na naka-wheelchair ang isang tauhan ni Vice President Sara Duterte matapos na sumama ang pakiramdam habang humarap sa imbestigasyon ng mga kongresista tungkol sa paggamit ng bise presidente sa daang milyong pisong confidential funds sa tanggapan ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd).

Dakong 6:13 pm nang ilabas sa Batasang Pambansa si Special Disbursement Officer Gina Acosta ng OVP habang isinasagawa ang pagdinig ng House good government and public accountability committee, tungkol sa paggamit ni Duterte ng confidential funds ng OVP at DepEd, na dati ring pinamumunuan ni Duterte.

Sinasabing tumaas ang presyon ng dugo ni Acosta habang sinasagot ang mga tanong ng kongresista.

Dumalo rin sa pagdinig si Duterte, na inalalayan si Acosta na mailipat sa ambulansiya para madala siya sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC), ayon sa pahayag mula sa OVP Legal Office.

“Ms. Gina [Acosta] is currently unresponsive for now so House Medical Director Luis Bautista declared it an emergency,” sabi ni Atty. Leandro Resurreccion IV.

P125-M confi funds, ibinigay sa isang Col. Lachica

Bago sumama ang pakiramdam, sinabi ni Acosta sa pagdinig na ibinigay niya noong 2022 ang P125 milyon ng OVP confidential funds sa isang “Colonel Lachica,” na namumuno sa Vice Presidential Security and Protection Group (VPSPG), kahit pa siya ang opisyal na disbursing auditor.

Dagdag pa ni Acosta, nanggaling ang utos kay Duterte na ibigay kay Col. Lachica ang naturang pondo.

“May approval po kay Ma’am Inday Sara,” ani Acosta bilang tugon sa tanong ni Batangas Representative Gerville Luistro.

Nang tanungin ni Luistro si Acosta kung ibibigay ba niya kay Lachica ang P125 million kung walang pahintulot ni Duterte, sabi niya, “Hindi po.”

Ayon pa kay Acosta, nagtitiwala siya kay Lachica dahil pinagkakatiwalaan ito ni Duterte.

“I trust Sir Lachica po kasi tina-trust po siya ng aking head of [OVP] office na si Maam Inday Sara [Duterte],” ani Acosta.

Pero sinabi ni Luistro na sa ilalim ng Presidential Decree 1445, na hindi dapat ipinapasa ng disbursing officer ang kaniyang trabaho sa iba.

Idinagdag ng kongresista na maaaring maharap si Acosta sa kasong malversation of public funds dahil sa ipinakatiwala niya sa ibang tao ng naturang pondo.

Ipinaliwanag naman ni Acosta ginawa niya iyon dahil sa pagsunod sa kaniyang boss na si Duterte.

“Nanaig po ang aking belief na may trust po ako kay Lachica dahil authorized po ni Ma’am Sara Duterte,” ani  Acosta.

“Wala po akong alam kung paano i-implement ang confidential activities. Si Sir Lachica lang po ang may alam,” dagdag niya.

Matapos nito, sumama na ang pakiramdam ni Acosta kaya dinala siya sa ospital.— mula sa ulat ni Llanesca T. Panti/FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*