Patay ang isang security guard matapos saksakin ng katrabaho niyang janitor sa Leganes, Iloilo, ayon sa ulat ng Unang Balita mula sa GMA Regional TV nitong Martes.
Batay sa imbestigasyon, nag-away ang security guard na si Joven Porcado at janitor na si R-June Pandes matapos pagbintangan ni Porcado si Pandes na kumuha ng kaniyang P500 na pambayad sana sa parcel.
Sumuko sa pulis si Pandes. Aniya, napahiya siya dahil pinagbintangan siyang magnanakaw ni Porcado sa harap ng kanilang mga kasamahan.
Nakakulong na ngayon ang suspek.
Hindi naman matanggap ng mga magulang ni Porcado ang nangyari sa kaniya. —KBK, GMA Integrated News
Be the first to comment