Isang aktres na nagngangalang si Neri ang dinakip ng mga awtoridad dahil sa estafa umano at paglabag sa securities regulation code.
Base sa pahayag ng Southern Police District, isinilbi sa 41-anyos na aktres at businesswoman ang warrant of arrest sa isang basement convention center sa loob ng isang mall sa Pasay City noong Nobyembre 23.
Nahaharap siya sa kasong estafa kaugnay ng Presidential Decree 1689, na nagdadagdag ng parusa para sa estafa “committed by a syndicate consisting of five or more persons formed with the intention of carrying out the unlawful or illegal act, transaction, enterprise or scheme.”
Ang syndicated estafa ay bunga ng maling paggamit ng pera na iniambag ng mga stockholder, miyembro ng mga kooperatiba o asosasyon, o mula sa publiko.
Nahaharap din siya sa 14 count ng paglabag sa Section 28 ng Republic Act 8799 o ang Securities Regulation Code, kung saan kasali ang mga probisyon sa pagpaparehistro ng mga broker, dealers, salesman, at iba pang nauugnay na tao.
Bagama’t hindi pa ganap na tinutukoy ng pulisya ang pagkakakilanlan ng aktres, nakipag-ugnayan na kay Neri Naig ang GMA News Online para sa kaniyang komento, ngunit hindi pa siya tumutugon sa oras ng pagakalimbag ng artikulo. —Jamil Santos/NB, GMA Integrated News
Be the first to comment