MMDA, nagsagawa ng clearing operations sa Mabuhay Lanes

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Ilang araw bago ang Disyembre, mas pinaigting pa ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang clearing operations nila, lalo na sa Mabuhay Lanes na alternative route ng mga motorista para makaiwas sa EDSA, C5, Quezon Avenue, Commonwealth Avenue at iba pang major thoroughfares sa Metro Manila. 

Sa Biak na Bato Street sa Barangay Sto. Domingo sa Quezon City, ilang sasakyan na nakapark sa bangketa ang tinow nila. 

Ilang sasakyan din na nakapark sa bangketa ang tinow sa Dapitan Street na kilalang bilihan ng mga Christmas decoration.  

Sinita din ng MMDA ang mga tindahan na naglalagay ng kanilang mga paninda sa bangketa. Sa ngayon, pinagbigyan muna sila pero sa susunod daw ay kukumpiskahin na ang mga paninda na nakahambalang sa bangketa. 

Sa kabila ng tuloy-tuloy na clearing operation sa mga obstruction sa Mabuhay Lanes, may mga ilegal na nakapark pa rin tulad sa Hemady Street, Annapolis Street, Eisenhower Street at Club Filipino Street sa San Juan City mag-aalas tres ng hapon. 

Ayon sa head ng MMDA special operations group na si Gabriel Go, “Hindi lang doble. We are doing triple time to clear hindi lang po ang ating mga major thoroughfares kundi ang mga Mabuhay Lane because one of the reasons bakit meron tayong Mabuhay Lanes is because it serves as an alternate route para sa mga kababayan natin na nais umiwas sa mga major thoroughfares natin.”

Adjusted na rin aniya ang oras ng mga MMDA traffic enforcers na mag-aayos ng daloy ng trapiko sa mga major thoroughfares hanggang alas dose ng hatinggabi hanggang gabi ng Pasko. — BM, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*