Isang lalaki sa Pasay City ang hinuli ng awtoridad matapos umanong manapak ng isang person with disability (PWD).
Ayon sa anak ng biktima, hindi nila alam ang dahilan kung bakit biglang sinapak ng 23-anyos na suspek ang kaniyang ama.
Kuwento niya, bumibili lang ng ulam ang ama niya nang lumapit ang suspek.
“Pagkatapos siyang suntukin, bigla na lang tumakbo [‘yung suspek],” kuwento ng anak ng biktima.
Hindi naman makausap ng maayos ang suspek na aminadong gumagamit ng ilegal na droga. —KBK, GMA Integrated News
Be the first to comment