Lalaki, arestado dahil sa panggagahasa umano ng kainuman sa Tondo, Maynila

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Sa kulungan ang bagsak ng 23-anyos na lalaking ginahasa umano ang babaeng nakainuman niya sa Barangay 105, Tondo, Maynila.

Higit isang buwan matapos ang umanong panghahalay, inaresto ang akusado nitong Sabado sa bisa ng warrant of arrest.

Ayon kay PMaj. Dave Garcia, hepe ng Manila Police District (MPD) warrant and subpoena section, isang 19-anyos na single mom ang biktima.

Pamilyado naman ang akusado, na may asawa at tatlong anak na.

“Magkapitbahay sila nitong biktima…Base sa kwento, nagkaroon sila ng inuman and then, ‘yun nga, nangyari na ‘yung panggagahasa sa bahay ng kaibigan,” ani Garcia.

Ang depensa naman ng suspek, ayon sa pulisya, meron umano silang “mutual understanding” ng biktima.

Kuwento naman ng akusado, nakatambay lang siya noon nang ayain siya sa inuman, kung saan nakasama at nakausap niya ang biktima.

“Ayun po, pagkatapos namin uminom, niyaya na ako sa taas…Doon na po may nangyari sa amin…Parehas po namin ginusto iyon,” paliwanag niya.

Nilinaw naman ng akusado na hindi pa raw sila lasing ng biktima noon.

“Sabi niya sa akin, may gusto po siya sa akin. Matagal na. Tagal na pong may gusto sa’kin ‘yung babaeng ‘yun,” dagdag pa niya.

Walang piyansang inirekomenda para sa reklamong tape na kinahaharap ng akusado. — BAP, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*