Alegasyon na-stroke at naospital si Romualdez, tinawag na malisyoso ng kaniyang opisina

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Tinawag na malisyoso ng Office of the Speaker ang alegasyon na na-stroke at dinala sa ospital ang lider ng Kamara de Representantes na si Leyte Representative Martin Romualdez.

Sa inilabas na pahayag nitong Sabado, sinabi Head Executive Assistant of the Speaker’s Office Lemuel Erwin  Romero, na layunin umano ng nagpakalat ng maling impormasyon tungkol kay Romualdez na, “to mislead the public and sow confusion.”

“Speaker  Romualdez is in excellent health and continues to perform his duties with dedication and focus… These allegations are completely untrue and are clearly designed to mislead the public and sow confusion,” giit ni Romero.

Sinabi pa ni Romero na dumalo si Romualdez sa ilang opisyal na aktibidad noong Disyembre 6, kabilang na ang isang seremonya sa Malacañang, kung saan nilagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang dalawang bagong batas, na pagtitipon na dinaluhan din ng iba pang mga lider ng Kamara at Senado.

“The event was widely covered by the media, underscoring his active role in advancing these legislative measures,” patuloy ni Romero.

Hiniling ni Romero sa publiko na sa mga verified at official sources of information lamang maniwala gaya ng mga lehitimong media, at ibasura ang mga maling impormasyon na layong sirain ang tiwala ng publiko sa mga lider at institusyon ng bansa.

Sinabi rin ni Batangas Rep. Gerville Luistro, na dapat itigil na ang pagpapakalat ng maling impormasyon, at sinabing maayos ang kalusugan ni Romualdez.

“Speaker Martin Romualdez remains in good health and continues to fulfill his duties as a committed public servant with vigor and dedication,” ani Luistro.

“These  baseless speculations not only distract from the meaningful work being  accomplished in the House of Representatives but also undermine the  integrity of our public discourse,” dagdag niya.
Iginiit ng mambabatas na shared responsibility ng mamamayan sa paglaban sa mga pekeng impormasyon.— mula sa ulat ni Jiselle Casucian/FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*