Security guard, patay matapos magulungan ng truck sa Tondo, Maynila

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Dead on the spot and isang security guard matapos magulungan ng isang trailer truck sa bahagi ng Mel Lopez Boulevard sa Tondo, Maynila.

Ang 29 anyos na biktima, naglalakad daw noong maganap ang aksidente.

“So baka papauwi siya o kaya pupunta siya dun sa lugar at habang siya ay tumatawid, hindi siya napansin nitong ating trailer truck, at nagulungan siya nitong hulihan gulong na agad niyang kinamatay,” ayon kay Police Major Philipp Ines, Manila Police District spokesman.

Agad naman nahuli ang 35 anyos na driver ng truck.

Pero, sabi ng Manila Police District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), sa halagang 350,000 nakipag areglo na sa pamilya ng biktima ang kumpanya ng driver ng truck.

Sabi naman ng MDTEU, marami talagang naaaksidente sa kahabaan ng Mel Lopez Boulevard.

Bukod kasi mabibilis na mga sasakyan at may kadiliman ang lugar, marami rin ang basta basta na lang tumatawid.

Nito lamang katapusan ng Nobyembre nang magulungan din ng truck ang isang burse na naka angkas sa isang motorsiklo.

Habang nitong Sabado lang na ma-hit and run naman ang tricycle ang isang lola na tumawad din sa nasabing lugar.

Kaya payo ng MPD, “maging maingat tayo katulad nung kung may kadiliman ung lugar na yan hindi talaga tayo minsan mapapansin nung mga sasakyan diyan at doon tayo tumawid sa tamang daanan, maghanap tayo ng pedestrian lane, yung well lighted area.” — BAP, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*