Hindi bababa sa walong bahay ang nawasak nang biglang umangat at nagkabitak-bitak ang lupa sa Barangay Matinik, Lopez, Quezon nitong Sabado ng gabi.
WATCH: Nasa 10 bahay sa bahagi ng Brgy. Matinik sa Lopez, Quezon, napinsala matapos umangat at magkabitak-bitak ang lupa sa hindi pa malamang dahilan kagabi; nasa 34 na pamilya, kinailangang lumikas. | via @PeeweeBacuno pic.twitter.com/tvAgsQgT7M
— DZBB Super Radyo (@dzbb) December 14, 2024
Kwento ng mga residente, wala namang lindol pero nagputukan ang mga konkretong dingding at haligi ng bahay. Ilang bahay ang tuluyang nawasak habang ang iba ay tumagilid.
Nakilo rin ang riles ng tren. Umangat rin ang bahagi ang kalsada sa barangay.
Ito raw ang unang pagkakataon na mangyari ang sakuna sa kanilang lugar.
Sa takot ng mga residente ay agad silang lumikas.
Mayroong 35 na pamilya ang tumutuloy ngayon sa barangay hall.
Nanawagan sila ng tulong upang matukoy ang dahilan ng paggalaw ng lupa.
—RF, GMA Integrated News
Be the first to comment