Pulis, patay sa saksak ng construction worker sa Iloilo

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Patay matapos saksakin ng isang construction worker habang nasa tindahan ang isang pulis sa Oton, Iloilo.

Sa ulat ni Sevein Hope Gegantoca sa Super Radyo dzBB nitong Miyerkoles, sinabing isang 40-anyos na may ranggong Staff Sergeant na nakatalaga sa Criminal Investigation and Detection Group sa Iloilo City.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nag-iinuman sa tindahan ang 40-anyos na suspek na construction worker sa Barangay Pakiad nang dumating ang biktima at may binili.

Ngunit bigla na lang umanong sinaksak ng suspek sa tiyan ang biktima nang kausapin nito ang babaeng tindera.

 

 

Sa hiwalay na ulat ng GMA Regional TV News, sinabi ni Patrolman Fritz Desbaro, investigator ng Oton Municipal Police Station, na selos ang isa sa tinitingnan nilang motibo sa krimen.

Tumanggi naman ang babae na itinago sa pangalang “Dona” na magbigay ng pahayag tungkol sa nangyari.

Sugatan din ang suspek na dinala sa ospital matapos mabaril ng biktima na mahaharap sa reklamong murder.–FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*