Grupo ng kabataan sa Maynila, nakipag-riot pagkatapos mag-Simbang Gabi

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Mga kabataan nahulicam na nag-riot sa Sampaloc, Maynila pagkatapos mag-Simbang Gabi.

Sa CCTV, aakalain mong naglalaro lang ang mga kabataang ito sa bahagi ng Lacson Avenue sa Sampaloc, Maynila.

Pero, biglang naghagis ng molotov ang isa sa kanila at gumanti na rin ang iba pa.

Ayon sa isang barangay official, aabot sa dalawampung kabataan ang sangkot sa riot kung saan lahat sila at mga dayo lang sa lugar.

“Riot, gang war yun ang ano namin eh assessment namin sa kanila, mga bata, minor, 8,9, 10, 11, 12,” ayon kay Barangay 411 Captain Andrew Concepcion.

“Yung iba kasi galing sa simbang gabi,” dagdag ni Concepcion.

Wala daw nasaktan sa nangyari pero ilang sasakyan ang tinamaan ng mga bato.

Humingi naman umano ng paumanhin sa barangay ang ilang magulang ng mga kabataan.

“Kaya lang, ang magulang pong ito ay sinasabi na dalhin na lang sa kulungan yung kanyang anak, hulihin d ba at wala daw po silang ibabayad dun sa damage na nagawa sa sasakyan ng aming ka barangay,” ayon kay Concepcion.

Si Mang Albert daw ang madalas na naglilinis ng mga bubog na naiiwan tuwing nagkakaroon ng riot sa kanila.

“Gaano kadalas nagkakaroon ng riot dito? Araw araw po yan. Hindi inaudible ng isang araw, minsan alas tres ng hapon, minsan gabi, alas kwatro ng madaling araw,” ayon kay Albert Selda.

Ayon sa barangay officials, may mga pulis at tauhan naman ng barangay na nagbabantay sa lugar pero tumetyempo ang mga kabataan kapag walang nakabantay dito.

Ayon naman sa Manila Police District, agad naman silang rumesponde noong mabalitaan ang nangyari.

“Ang ginawa ng pamunuan ng Manila Police District, yung dalawang istasyon natin, naglagay na tayo dyan ng mga pulis natin na magbabantay,” ayon kay Police Major Philipp Ines, MPD spokesman.

Na i-turn over na rin daw sa Manila Department of Social Welfare ang ilan sa mga kabataan na nasangkot sa riot.

Habang ang iba naman ay binalik sa kanilang mga magulang.

Bagama’t hindi masasampahan ng reklamo ang mga menor de edad, binigyang diin ng MPD na posibleng maharap sa reklamo ang mga magulang nila.

Sa ilalim ng Manila City Ordinance Number 8243 o ang Anti-child Endangerment Act, posibleng makulong ng isa hanggang anim na buwan ang mga magulang depende sa edad ng kanilang anak.

May multa din ito na aabot sa P2,000 hanggang P5,000.

  • 15-17 yrs old – 2k pesos penalty, up to 1 month imprisonment 
  • 13-14 yrs old – 3k pesos penalty, up to 3 months imprisonment 
  • 12 yrs old and below – 5k pesos penalty, up to 6 months imprisonment 

“’Wag na po natin hintayin na may mangyaring hindi maganda sa inyong mga anak di ba, or better yet, sa inyo po yan, sasampahan po namin kayo ng kaukulang parusa,” ayon kay Concepcion. — BAP, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*