Sasakyan ng provincial election supervisor ng Sulu, tinambangan; kapatid, patay

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Tinambangan ng riding-in-tandem sa Zamboanga City ang sasakyan ng provincial election supervisor ng Sulu nitong Sabado ng umaga, ayon kay Commission on Elections chairman George Garcia. Ang opisyal, nakaligtas, ngunit ang kaniyang kapatid, nasawi.

Sa ulat ni Carlo Mateo sa Super Radyo dzBB, sinabing naganap ang insidente bago mag-10 a.m., base na rin sa kumpirmasyon ni Garcia.

Sa ulat naman ng 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing ligtas si Sulu Provincial Election Supervisor Julie Vidzfar, ngunit nasawi ang kapatid matapos tamaan ng bala sa ulo.

Nanggaling sa airport ang magkapatid at pauwi na ng kanilang bahay, nang maganap ang pamamaril habang binabagtas nila ang bahagi ng Santa Maria, Zamboanga City.

Agad namang tumakas ang mga salarin.

Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang walong basyo ng .45.

“No words are enough to condemn this treacherous act of violence against our people. What is more gruesome and unforgivable is when a loved one is caught in the crossfire so to speak. We are not yet prepared to cry hopelessness but a call for immediate action from authorities is strongly demanded,” saad ni Garcia sa kaniyang pahayag.

Nanawagan siya sa Philippine National Police na makapagsagawa ng malalimang imbestigasyon. —Jamil Santos/KG/VBL, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*