Babae, namatay matapos silaban habang natutulog sa New York subway

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Nasawi ang isang babae matapos siyang silaban habang nakaupo at pinaniniwalaang natutulog sa New York City subway noong Linggo ng umaga. Isang suspek na lalaki ang inaresto kaugnay ng insidente.

Sa ulat ng Reuter, sinabing batay sa pahayag ng New York Police Department, nakaupo at hindi gumagalaw ang biktima (na hindi tinukoy ang pangalan), sa isang nakatigil na tren sa Coney Island-Stillwell Avenue subway station sa Brooklyn. Nilapitan siya ng isang lalaki at sinindihan ang damit ng biktima gamit ang lighter.

Ayon sa pulisya, walang nakitang pag-uusap sa dalawa, pinaniniwalaan na hindi magkakilala ang babae at ang suspek.

Kaagad umanong umalis ang lalaki nang dumating ang mga pulis.

“What they saw was a person standing inside the train car fully engulfed in flames,” saad ni New York Police Commissioner Jessica Tisch sa press conference.

Sa video na kuha ng cellphone na ipinost sa social media, nakita ang isang lalaki na nakaupo sa isang bench sa platform, ilang hakbang mula sa nagliliyab na babae.

Nakasuot ng isang gray hoodie ang lalaki na kapareho ng suot ng suspek na inaresto dakong hapon ng Linggo.

Ginamit ng mga pulis ang mga fire extinguisher upang apulahin ang apoy pero idineklara ng mga emergency responder na patay na ang babae sa lugar ng insidente.

Iniimbestigahan pa ang pagkakakilanlan ng biktima, at ang motibo sa krimen.

Tinatayang apat na milyon ang bumibiyahe sa subway araw-araw at itinuturing hindi pangkaraniwan ang karahasan. Hanggang noong Nobyembre, siyam na kaso ng pagpatay ang naiulat sa subway noong 2024, kumpara sa limang kaso na naitala sa parehong panahon noong 2023, batay sa mga datos ng pulisya.— mula sa ulat ng Reuters/FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*