VP Sara, handang harapin ang impeachment complaints; ama na si ex-Pres. Duterte, magiging abogado niya

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Inihayag ni Vice President Sara Duterte na nakahanda siyang harapin ang mga impeachment complaint na inihain laban sa kaniya. Mayroon na rin umano siyang mga abogado, at posibleng magtanggol din sa kaniya ang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte, na isa ring abogado.

Sa ulat ng GMA News “24 Oras” nitong Miyerkules, iginiit ni VP Sara na wala siyang nilalabag na batas kaugnay sa tatlong impeachment complaints na inihain laban sa kaniya sa Kamara de Representantes.

Mayroon na umano siyang mga abogado sakaling umusad ang mga reklamo at umabot sa impechment trial.

Handa rin umanong tumayo bilang abogado niya sa kaso ang kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“I am confident that I did not break any law. I did not do anything illegal… Kapag nandiyan na ang kaso, haharapin pa rin namin,” ayon sa bise presidente.

Nahaharap ang nakababatang Duterte sa tatlong impeachment complaints dahil sa umano’y  ilegal na paggamit niya ng P612 million confidential funds sa kaniyang tanggapan sa Office of the Vice President, at sa dati niyang pinamumunuan na Department of Education.  

Nauna nang sinabi ni VP Sara na mabuti na rin ang mga isinampang reklamo dahil siya na lang ang inaatake at wala na umanong ibang nadadamay.

 “So, okay din ‘yung impeachment case dahil ako lang ang tinitira doon, ako lang iniimbestigahan noon. Ako lang ang inaatake ng impeachment case. Hindi na kasali ang nga kasamahan ko sa OVP and mga dati kong kasama sa DepEd. Masagot na ng final kung ano ‘yung mga inaakusa nila sa akin,” paliwanag niya.–FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*