13-anyos na babae, naputulan ng mga daliri matapos masabugan ng paputok na 5-star

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Wasak ang kamay at naputulan ng ilang daliri ang isang 13-anyos na babae matapos siyang masabugan ng paputok na 5-star nitong Miyerkoles ng gabi.

Sa ulat ni Marisol Abdurahman sa GMA News “Saksi” nitong Huwebes, sinabi ni Dennis de Guzman, nurse IV sa Philippine Orthopedic Center sa Quezon City, na ang kaliwang kamay ng dalagita ang napinsala.

“Itong gitna at palasingsingan, litaw na po yung buto so completion, amputation na lang ang gagawin doon para maisara dahil nakalabas yung buto,” paliwanag niya.

Ayon sa ina ng biktima, nagpaalam ang anak nitong Pasko na lalabas lang hanggang sa malaman niyang isinugod na ito sa ospital.

Ikinuwento umano ng anak na siya mismo ang nagsindi ng paputok at dumikit daw sa kamay nang ihahagis na niya.

“Nagulat na lang siya sumabog na sa kamay niya,” dagdag ng ginang. “Sabi po niya na medyo nakainom daw po sila.”
 
Labis ang pagsisisi ng dalagita sa nangyari na nagsabing hindi na raw uulit na magpaputok.

Siya ang ikalawang kaso ng mga nabiktima ng paputok sa naturang ospital.

Samantala, sunog at lapnos naman ang balat sa binti at hita ng isang 12-anyos na bata na dinala sa Tondo Medical Center matapos na masabugan naman ng iligal na boga.

Nakalabas din siya ng ospital matapos na malapatan ng lunas.

Sa Sarangani Province, naputukan naman ng boga sa mata ang 13-anyos na bata noong bisperas ng Pasko.

May mga biktima rin ng paputok na piccolo at boga ang dinala sa Zamboanga City Medical Center na edad anim at walo. Apat naman ang biktima ng boga sa Bicol region na pawang menor de edad din.

Sa tala ng Department of Health hanggang umaga nitong Huwebes mula noong December 22, umaabot na sa 69 ang mga biktima ng paputok. Sa nasabing bilang, 58 sa kanila ay nasa edad 19 pababa.

Ang boga, 5-star at piccolo umano ang nangungunang sanhi ng firecracker-related injuries ngayon.

Nitong December 21, inihayag ng DOH na nagtaas na sila sa “code white,” na ang ibig sabihin ay handa na silang tumugon sa mga emergency tulad ng mga nasabugan ng paputok. — FRJ, Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*