Nasawi ang isang guro at ang kaniyang pamangkin matapos silang pagbabarilin sa Lebak, Sultan Kudarat.
Sa ulat ng GMA Regional TV sa “Balitanghali” nitong Biyernes, inilahad ng pulisya na pauwi na ang mga biktima galing sa paaralan kung saan nagtatrabaho ang guro at nag-aaral ang pamangkin nito pasado 6 ng gabi ng Huwebes.
Hanggang sa may sumunod sa kanilang motorsiklo na may sakay na gunman at pinagbabaril ang mga biktima.
Dead on the spot ang nakababatang biktima na nasapul sa batok, samantalang sa ospital pumanaw ang guro na tinamaan sa batok at dibdib.
Kinondena ng pamunuan ng paaralan ang pagpatay sa kanilang guro at estudyante.
Nagpapatuloy ang mga awtoridad sa pagtugis sa salarin at inaalam ang motibo sa pamamaril. — Jamil Santos/BAP, GMA Integrated News
Be the first to comment