Mga Comelec checkpoint, itinayo sa pag-umpisa ng election period

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Itinayo na nitong Linggo ang mga checkpoint ng Commission on Elections (Comelec) sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa pag-umpisa ng election period para sa midterm elections sa Mayo.

Ang mga checkpoint ay binabantayan ng mga tauhan ng Philippine National Police.

Ayon kay Comelec chairman George Garcia, ang mga awtoridad ay magpapatupad ng “plain view doctrine” kung saan titingnan lamang ang anumang bagay na nakikita sa labas ng mga sasakyan.

Kailangan lamang ibaba ang bintana at buksan ang ilaw sa loob ng sasakyan habang dumadaan.

Walang obligasyon ang motorista na buksan ang kanilang glove compartment, trunk, o bag maliban kung may malinaw na dahilan na naaayon sa batas.

Sa pamamagitan ng mga checkpoint, mamomonitor ng mga awtoridad ang compliance ng publiko sa gun ban na nagsimula rin ngayong Linggo.

Pinaalalahanan ng pulisya at Comelec ang mga motorista na makipagtulungan sa pagpapatupad ng checkpoint.

 

 

 

Sa Daet, Camarines Norte, sa kabila ng inilabas na red rainfall warning ng PAGASA para sa buong lalawigan, tuloy-tuloy ang pagsasagawa ng checkpoint operations.

Nagsimula ang mga checkpoint sa iba’t ibang bayan ng Camarines Norte ng alas-otso ng umaga.

Ang mga mahuhuling lumalabag sa gun ban o nagdadala ng anumang uri ng deadly weapon ng walang kaukulang pahintulot mula sa Comelec ay agad na aarestuhin at sasampahan ng kaukulang kaso.

Ang midterm national at local elections ay gaganapin sa Mayo 12. —KG, GMA Integrated News

 

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*