QUEZON – Nakunan ng larawan nitong Sabado ng gabi, Hulyo 6, sa kalangitan ng Guinayangan, Quezon ang nakamamanghang light pillars.
Ilang minuto raw itong nagtagal sa kalawakan.
Ang light pillars ay tinatawag na lansuk-lansuk o kandila ng mga Tausug. Pinaniniwalaan din na ang paglabas nito ay nagdadala ng grasya o kaya ay kamalasan.
Ayon sa PAGASA, ang meteorological phenomenon na ito ay sanhi ng ice crystals na tinatamaan ng liwanag mula sa buwan. Lumalabas daw ito kung mayroong maninipis na cirrus clouds at may liwanag ang buwan.
Nakunan din ng larawan ang parehong phenomenon sa lalawigan ng Sulu at Masbate noong mga nakalipas na taon. —KG, GMA Integrated News
Be the first to comment