MANILA, Philippines — Inanunsyo kahapon ni Manila Mayor Honey Lacuna na nasa 53,000 inidbiduwal ang makatatanggap ngayong Hulyo ng social amelioration program (SAP) mula sa Manila city government.
Sinabi ni Mayor Honey Lacuna na maipamamahagi na ng social welfare department ng lungsod, sa ilalim ng pangangasiwa ni Re Fugoso ang monthly allowances sa ilang sektor sa ilalim ng SAP.
Ang mga sektor na ito ay kinabibilangan ng persons with disability (PWDs), solo parents, at maging ang mga minors with disablity (MWDs) na idinagdag na rin sa listahan ng mga recipients kamakailan.
Ayon kay Lacuna, ang mga beneficiaries ay tatanggap ng kanilang cash allowances na P3,000 bawat isa na kabuuan para sa Enero hanggang Hunyo.
Pumalo sa mahigit P157 milyon ang kabuuang halaga ng ipamamahagi sa mga beneficiaries na binubuo ng 35,235 PWDs, kabuuang 3820 MWDs at 14,069 solo parents.
Hinikayat ng alkalde ang mga recipients na bisitahin ang DSWD Manila’s Facebook page o magtanong sa kanilang mga barangay kung paano makukuha ang nasabing benepisyo.
Be the first to comment